Pagtatrabaho sa Tindahan ng Tito Ko

Grade 8 pa lang ako ay nagtatrabaho na ako sa tindahan ng tito ko. Kaya nagsumikap ako para lang makabawi din ako sa lahat ng kanyang binigay. Ang mga binigay niya sa akin hindi lang sa pera kundi sa mga hinihiling ko o hinihingi ko sa kanya. Ganyan ka bait ang tito ko, kahit na minsan ay ang sungit niya sa akin pero kinakaya ko dahil ayaw ko na mahirapam siya. Kapag ako ay sumuko, dahil wala na siyang makakasama sa loob ng tindahan niya. Higit sa lahat, ako lang ang inaasahan niya dahil ako lang ang nakakaalam ng mga presyo ng mga tinda niya; Minsan nararanasan ko rin na mapapagod dahil hindi na kaya ng katawan ko dahil palagi akong nagbubuhat ng mga kahon. Okay lang naman sa akin na magbuhat ng kahon, basta hindi lang ito mabigat. Babae lang naman ako. Minsan hindi ko kayang magbuhat ng mabibigat na bagay, dahil minsan nararamdaman kona masakit yung balakang ko dahil sa sobrang pagbubuhat ko. Pero hindi ako nagrereklamo dahil nahihiya ako sa tito ko. Mag-aapat na taon na akong nagtatrabaho sa tindahan ng tito ko kaya sobrang nagpapasalamat ako dahil nagtagal ako sa tindahan niya. Siyempre, nagpapasalamat din ako sa tito ko na niregaluhan niya ako ng selpon noong kaarawan ko. Hindi ko inaakalang bibilhan niya ako ng selpon dahil malaki na rin yung naitulong at naibigay niya sa akin. Kaya susuklian ko naman ang kabutihang ginawa niya sa akin. Gaya ng pagbabantay nang maayos sa kanyang tindahan at gumawa ng mabuti para maging maganda ang trabaho ko. Kahit ilang buwan na lang ang natitirang pagbabantay ko sa tindahan, sinusulit ko na yung mga minuto, oras at buwan na nagtatrabaho ako dahil mamimiss ko yung mga panahon na nagtitinda ako. Kaya ang natutunan ko sa pagtatrabaho sa tindahan ng tito ko ay kapag nagtatrabaho, dapat sundin at gawin ang gusto ng may-ari para hindi sila magrereklamo sayo.

Leave a comment